June 24, 2006

Ang Gintong Agila

let me share this poem to everyone...

Nakakita ng itlog ng agila ang isang tao
at inilagay niya ito sa pugad ng manok.
napisa at lumaki ang agila katulad ng manok
paputak-putak, kukurok-kurok, tutuka-tuka ng bulate;
lilipad-lipad nang mababa tulad ng ibang manok.
nagdaan ang mga taon, isang araw ang matandang agila
ay nakakita ng isang maringal na ibon sa himpapawid.
malaya itong lumutang-lutang pasalungat sa malakas na hangin,
halos hindi ginagalaw ang gintong pakpak.
nabatubalani ang matandang agila, "sino iyan?" tanong niya.
"iyan ang hari ng mga ibon, ang agila" sabi ng kanyang katabi.
bahagi siya ng kalawakan, bahagi tayo ng lupa- tayo ay mga manok.
kaya't nabuhay at namatay ang matandang agila na tulad ng manok
dahil iyon ang inakala niya sa sarili.
-=kung ikaw ang papipiliin anong gusto mo:
Agila na nabubuhay bilang isang manok o manok na nabubuhay bilang isang agila?=-

3 Comments:

At June 25, 2006 , Blogger vaN said...

AGILANG NABUBUHAY TULAD SA ISANG AGILA! ;P

 
At June 25, 2006 , Blogger yayam said...

manokmanokmanok!:p

 
At June 27, 2006 , Blogger mia-ac said...

whaaaaaaaa! Unsa ka? Taegon 2 ko! Hahaha!

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home